Pagbati
Salamat sa pagbati mga kaibigan
Kaarawan ko'y di nyo nalimutan
Bagama't abala sa inyong mga tahanan
Sa paghahanda ng Noche Buenang
Inyong pagsasaluhan
Hiling ko'y inyong kaligayahan
Ngayong Kapaskuhan at kahit kailanman
Sana ngayon kayo'y napapaligiran
Ng pagmamahal ng pamilya't mga kaibigan
Huwag sana nating malimutan
Ang tunay na dahilan ng ating kasiyahan
Sumilang ang Lumikhang sa ati'y nagligtas
Ang Diyos na sa ati'y nagmamahal ng wagas
Maligayang Pasko at patuloy na biyaya sa darating na Bagong Taon!
0 comments:
Post a Comment