Anne to Mom, and Vice Versa

November 1, 2006

Dear Mommy,

We went Trick O' Treatin' yesterday at Ayala Alabang. Jam dressed as Count Dracula while Gambel was the fattest and cutest Berdugo you'd ever see. I bought both costumes at SM. I initially planned on making them myself, kaya lang di na kinaya ng powers ko. Besides, P250.00 lang naman each. Nilagyan ko na lang ng make-up si Jam.

(Funny thing was, when we bought their costumes, nagpunta kami sa fitting room so I can see kung kasya kay Gambel. Nung naisuot na, I asked him to check himself in the mirror which was outside the fitting room. Pagbukas ng pinto at pagkakita niya sa reflection niya napaatras siya... siya mismo nagulat at natakot sa itsura niya. Hahaha.)

Biglang di na kasya ang halloween costume ni Robyn from last year. Buti na lang may shirt siyang black so I took off from there. I initially wanted to make her up as Rogue (ng X-Men) kaya lang red ang hairspray ko. Crunch time na din kasi we got to AAV about 3pm and by then ang dami nang umiikot, takot yung mga batang maubusan so they were raring to go. So mabilisan na ang make-up session. Good thing I bought claws as an extra for Jam, and she was able to use it. Then I thickened her eyebrows and reddened her face. Andre wore her fairy costume from last year, so there was no need to make her ugly or scary. Buti din Gambel didn't need any face make-up...

Mom Writes Back:

Pinag-costume din kami ng halloween sa pinagtatrabahohan ko. Ayokong gumasta kaya bumili lang ako ng sombrero ng witch. May nakakabit sa sombrero na green na buhok, mahaba. Nagsuot ako ng long skirt na black at saka sweat shirt na black. Mukha rin akong witch--good witch nga lang daw sabi nila. One remarked, "Isn't she gorgeous?" Pati iyong mga matatandang residente tuwang tuwa sa amin. (Taray ng nanay ko, no? Beauteous pa din. Sayang walang pic.)

Si Erin pala dinala rin nila dun lola sa kabila kasi may trick o treat din doon para daw makita ng mga naka costume. Di ko alam kung natuwa rin si Erin.

Ang ganda nung pictures. I will see kung may mabibili pa akong costumes at masks dito, in preparation for next year. Marami din ba silang napag trick or treat-an?

Mom


My reply:

Yes, madami din silang napag-trick o' treat-an. Ang sisipag ngang maglakad bigla, ang laki ng Ayala Alabang pero halos nagalugad namin ON FOOT. (Eh kasi ba naman, di na kami nasundan ni Bitoy. Buti sila, naka-flats. Eh akong naka-heels? Di naman ako makapag-flats kasi di na malalaman kung sino ang mommy.... Although on second thought, sana nga pala nag-flats na lang ako.... hehehehe)

Enjoy din kasi marami ding nag-take ng effort na mag-participate, they decorated their homes at yung iba, mismong yung mga may-ari (na naka-costume din) ang nagbibigay ng goodies. (This is noteworthy kasi sa ibang bahay, mga dh na lang ang naga-abot.)



Meron pa nga kaming napuntahan na complete with a pirate ship, treasure at pirates pa. That's them (top, left) with one of the 'pirates'.


Meron din na naka-suot pang-belly dancing yung mga LALAKI. Natatawa tuloy yung apat, si Gambel paglapit sa akin pagkakuha ng goodies, sabi, "Mommy, bading yung nagbigay sa akin!" Natawa ako, sabi ko, "Hindi, costume nila 'yun!"

Karamihan, candy ang ibinigay, although there were standouts -- those who gave ice cream, cotton candy, plastic fangs and juice or flavored milk to the trick-o-treaters. The chip of the day was Oishi. Si Gambel nga, pagkakitang Oishi uli, sinabihan yung dh: "Thank you, may Oishi na ako e!" Sabay ipinakita yung Oishi niyang malinggit, samantalang XL yung Oishi na iniaabot sa kanya! Doink!

My Reply, Continued

We decided not to go to the cemetery nung Nov. 1, kasi nga wala si Mike at 'yung ibang puedeng mag-drive magsisiuwi din para dumalaw sa kanilang dearly departed. Nagpunta na rin kami nung 22 (anniversary ni dad) so sa Sunday (Nov. 5) na lang uli.

Supposedly ngayong gabi pa lang ang balik ni Mike from China pero pina-rebook nya at nag-chance passenger siya last night, dun sa last flight from HK (9 pm). Supposedly 11 pm ang dating. Around 10:30 pa lang, nandoon na kami. Eh kaso, PAL ang sinakyan (sayang kasi ang miles...) so late na dumating. 12:07am lumapag, ala-una na nakalabas ng airport...

Nag-worry ako for a while about his flight kasi nga nung dumating kami, 10:30 na nga pero ang flight status na naka-display, TENTATIVE. Yung isang flight galing Korea na mas late umalis, naka-DEFINITE na ang status.

Natakot ako kasi naman si Andre nung in-announce ko na matutuloy na si Mike umuwi, sabi, "Magdasal tayo para kay daddy Mike," so 'kako, sige, tapos magkaharap kaming umupo sa kama tapos nagdasal na siya --

"Lord, sana po bantayan mo si Daddy Mike, sana po wag siyang masaktan pag NAG-CRASH ang airplane niya, sana po wala siyang sugat pag NAG-CRASH ang airplane niya, sana po di siya matakot pag---"

Nakialam na ako: "Sana po WAG MAG-CRASH ang airplane niya!!"

Ayun. Salamat at dininig ni Lord ang panalangin ko!

--Len :)

0 comments:

Newer Post Older Post Home
Why AnneThology?

Anthology means a collection of poems, short stories, plays, songs, or excerpts. My name is Anne, and this blog contains a collection of my thoughts, musings and writings (poems, short stories), some songs I like, plus a sprinkling of excerpts I find worth sharing --hence, AnneThology.

Did you know?

Anthology derives from the Greek word ἀνθολογία (anthologia; literally “flower-gathering”) for garland — or bouquet of flowers — which was the title of the earliest surviving anthology, assembled by Meleager of Gadara.

Look, what I have -- these are all for you.