Paglisan

(Today I'm writing in the vernacular. Sorry, I just feel like it.)

Umalis ka na naman. Parang noong bata pa ako, aalis ka na naman at di mapigilan kahit ayaw ko. Kasi kailangan. Pupunta ka sa malayo, di kita makikita ng matagal, kasi may mabigat na dahilan. Noon, kasi may tatlo kang anak na pakakainin, pag-aaralin, dadamitan... may mga bayarin na dapat mabayaran, mga kailangang dapat mapunan. Kaya kahit mahirap para sa ating lahat, pikit-mata mong iniwan kaming tatlo at nakipagsapalaran ka.

Ngayon, di ko alam kung bakit kailangan mo pa ring umalis. Parang mas mabigat at mas masakit ang pag-alis mo ngayon, kasi akala ko kaya na kitang pigilan, dahil mas malaki na ako ngayon, may sarili na akong kita, puede ko nang sabihin na, 'ako na ang bahala, ano ba ang kailangan mo?' Akala ko mas simple na ang sitwasyon kasi malalaki na kami, kung tutuusin, tapos na ang responsibilidad mo. Wala nang dahilan para lumayo ka pa. Pero meron pa rin siguro. May dahilan ka na hindi ko nai-intindihan, pero kailangan kong igalang at tanggapin.

Parang kararating mo lang kahapon, pagkatapos, inihatid ka na namin kanina sa airport. Ang bilis naman ng mga araw, kulang na kulang ang isang buwan nating ipinagsama... puede ko kayang hilahin na ang susunod na taon, para nandito ka na uli?

Mahina talaga ako sa mga hiwalayan, sa mga paalamanan, sa mga paglisan. Wala akong binatbat sa mga iyan.

posted under |

0 comments:

Newer Post Older Post Home
Why AnneThology?

Anthology means a collection of poems, short stories, plays, songs, or excerpts. My name is Anne, and this blog contains a collection of my thoughts, musings and writings (poems, short stories), some songs I like, plus a sprinkling of excerpts I find worth sharing --hence, AnneThology.

Did you know?

Anthology derives from the Greek word ἀνθολογία (anthologia; literally “flower-gathering”) for garland — or bouquet of flowers — which was the title of the earliest surviving anthology, assembled by Meleager of Gadara.

Look, what I have -- these are all for you.